Abortion in Masbate: 18 year old student endures pain and learn a valuable lesson (entry #41)

Oct. 22, 2017

P.V. , 18, student
Masbate, Philippines

Magtatatlong buwan na ang nilalaman ng aking tiyan nang makita ko ang blog about sa project 486. Bumalik ulit yung pag asa ko na baka maayos pa ang lahat kahit ilang buwan na ang nakalipas kasi nung mga nakaraang buwan na lumipas, hindi ko na alam yung gagawin ko na dumating sa point na nadepress ako kasi hindi talaga pwede.. may pangarap pa ako na kailangang abutin, at panigurado na madaming madidismaya sa mga umaasa saakin. Alam kong kasalanan ito sa itaas pero kinakailangan kong gawin para maging maayos ang lahat. Kaya laking pasasalamat ko sa project 486 lalong lalo na kay sir John kasi kahit na napaka dami kong tanong sakanya ay sinasagot niya pa din lahat, sinasabi niya ang mga kailangan mong gawin at ipapaliwanag niya kapag naguguluhan ka.

Sobrang nagtanda ako sa naranasan ko habang ako ay nasa proseso at ngayon ko lamang naranasan yung pagtitiis kapag gusto mo ng mamilipit sa sobrang sakit. Sinunod ko ang pagddiet para maging successful ang proseso at hindi nga ako nabigo. Masasabi ko na worth it ang pinagdaanan ko sa loob ng tatlong araw at inisip kong ito ay isang parusa saakin kaya tiniis ko lahat.

Malaking tulong ang project 486 saakin lalo na at ayokong lumaki ang magiging anak ko na hindi man lang makakapagtapos ang kanyang ina at paniguradong hindi niya mararanasan ang buhay na maayos at matiwasay. Kaya to all the ladies out there na katulad ng sa sitwasyon ko, ibigay niyo ang tiwala niyo sa project 486 kasi hindi nila kayo bibiguin at sobrang magiging hands on sila sainyo.
– P.V, 18 from Masbate

—–

A Patient’s Reflection on her Medical Abortion (pills used: Mifepristone and Misoprostol / Cytotec) in the Philippines (entry #41)

2 comments on “Abortion in Masbate: 18 year old student endures pain and learn a valuable lesson (entry #41)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *