Lumaki akong mulat sa paniniwalang kailangan kong makatapos ng pag-aaral nang hindi nabubuntis, dahil kapag nangyari iyon, parang mawawalan ng saysay ang lahat ng pinaghirapan mo at mapapalitan ng panghuhusga at kahihiyan.
Sa loob ng tatlong taon, regular ang regla ko at hindi ako nadedelay. Noong Nobyembre, nagkaroon pa ako, pero sa buwan ding iyon, sa tingin ko ay may nabuo na.
Natapos ang OJT ko, naospital ang lolo ko, at nagkasakit din ako, kaya nang hindi ako datnan noong Disyembre, inakala kong delayed lang ang ovulation ko. Ilang linggo pa ang lumipas bago ako nag-pregnancy test, at nang makita ko ang resulta, natulala ako.

Kahit pinapakalma ako ng boyfriend ko, hindi ko mapigilan ang takot at pagkalito. Alam naming hindi pa namin kaya. Ayokong maghirap ang bata dahil sa amin, kaya nagdesisyon kaming magpa-abort. Alam kong mali ito sa paningin ng marami, pero iyon lang ang choice na nakita ko sa panahong iyon.
Habang naghahanap kami ng tulong, nakita ko ang Project 486. Nag-research kami, binasa ang mga kuwento ng iba, at doon kami nagdesisyong humingi ng tulong.
Sa tulong ni Sir Alex at Doc/Sir JJ, ginabayan kami mula simula hanggang matapos. Hindi nila kami pinabayaan, at sobrang laki ng pasasalamat ko.

Ang procedure ay bearable, at matapos ang lahat, halo-halo ang emosyon—pero nangingibabaw ang relief.
Umiyak man kami, alam naming mas makakabuti ito para sa lahat. Maaaring hindi mo ako maintindihan o husgahan mo ako, pero ginawa ko ito dahil iyon ang alam kong tama para sa sitwasyon namin. So to all women out there, your body your choice.