A Patient’s Reflection on her Medical Abortion (pills used: Mifepristone and Misoprostol / Cytotec) in the Philippines (entry #55)

December 22, 2017

Maureen,23, student
Pateros, Metro Manila, Philippines


Wala pa sa isip ko ang mabuntis, di ko pa gusto magkaroon ng anak sa edad ko na 23, at mas lalong di ko ineexpect na mabubuntis ako ng ganito kaaga na wala sa plano namin ng boyfriend ko. Nung delay na ko ng 5 days (Nov. 25) medyo kinakabahan na ko, pero sabi ng bf ko baka sa sobrang stress ko lang daw kaya hintayin ko lang baka na delay lang ng ilang araw. Pero di talaga ko mapakali after ilang days na di pa rin ako nagkakaroon kaya pinilit ko siyang bumili ng PT at dun namin ginawa yung test sa bahay nila. Yung moment na yun nanginginig pa yung kamay ko habang hawak ko yung PT, kinakabahan ako na baka dalawang line ang lumabas. At nung nakita kong two lines ang lumabas, parang saglit na tumigil yung mundo ko na di ako makapaniwala sa nakikita ko. Parang gumuho yung mundo ko at nung pinakita ko sa bf ko yung result parehas kaming naluha, dahil alam namen na di pa namen kaya maging magulang sa anak namen, dahil una nagaaral ako uli para sa 2nd course ko para sa mas malaki kong pangarap at pwedeng di na mangyari yun dahil sa pagbubuntis ko at ako ang panganay saming magkakapatid, ako ang inaasahan ng magulang ko na magbibigay ng magandang buhay sakanila at sa mga kapatid ko, at ayun din naman ang pangarap ko, kaya that moment alam ko sa sarili ko na hindi ko talaga pwedeng ipagpatuloy ang pagbubuntis ko.

Pero naging mahirap kase ayaw ng bf ko yung gusto kong mangyare, gusto niyang panagutan at buhayin yung anak namen. Kaya maraming beses kami nagtalo dito pero sa huli ako pa rin ang nasunod, kaya kahit masama ang loob niya saken sinuportahan niya ko sa gusto kong mangyare. Naghanap ako sa internet ng mga ways kung paano mag pa abort o mga makakatulong saken na gawin to, marami akong nakitang mga seller ng mga abortion pills, sa sobrang depress ko that time at kadesperadahan ko bumili ako sa isa sa mga online seller, pero di ko ineexpect na scam pala yun, kaya mas lalo akong na depress sa nangyari saken, at nagalit din yung bf ko saken dahil masaydo daw ako nagtiwala agad at malaking pera din yung nabitawan namin. Pero after nun naghanap agad ako ng ibang ways para sa abortion hanggang sa nakita ko sa blog yung herbal way para magpalaglag ng bata inemail ko yung blogger kung paano at tnry ko yung sinabe niya for 5days, pero wala naman nangyayare maliban sa sukang suka na kong inumin yung vitamin c at nagiging acidic na rin sikmura ko. Kaya inemail ko uli siya at dun na nga nalaman ko about sa Project 486.

Nung inemail ko ang Project 486, mabilis agad yung response nila (ni Sir Alex), wala nakong ibang alam na malapitan kaya tinake ko uli yung risk na magtiwala na magtransact online kahit puro duda na ko after nga nung na scammed kami. Then, nung binigay na saken ni Sir Alex yung number ni Sir John(consultant), tinext ko kaagad at kinabukasan nagkaroon na kame ng consultation through phone, napanatag ako nung nakausap ko si Sir John na magkakaroon ng solusyon yung dinadala ko ngayon kaya kinabukasan nagbayad na kame ni bf through BDO. Nung una nagdalawang isip pa ko na baka paano kung scam na naman to, wala na kaming pera ng bf ko dahil anlaki ng nalabas nameng pera nung na scammed kame, pero dahil sa mga reviews at sa mga story na nabasa ko, mas pinili ko nang magtiwala. At kinabukasan nareceive ko na yung package na inorder ko at nung pagkabukas ko ng package, ang laking relief yung naramdaman ko na di pala scam ang Project 486.

That day na nakuha ko yung package, sinimulan ko na din yung strict folate diet at fasting ko that night at ininom ko na yung Mifepristone nung 11:59pm(Dec 19), at yun ang Day 1 ko. Wala naman akong naramdaman na kakaiba hanggang kinabukasan. Day 2(Dec 20), folate diet pa din, medyo nahirapan ako kase di ako sanay na di kumaen ng rice pero kailangan kong magtiis kaya hinang hina talaga ko that day. Binili na din ni bf lahat ng needs ko para bukas. Day 3(Dec 21), sa bahay ni bf namen ginawa yung process kase bawal sa bahay namen, pero hinintay muna namen makaalis yung mama at ate niya bago namen sinimulan kaya instead 6am ang sched eh 7:20am na kami nakapag start. Si bf naglagay ng 2 miso sa V ko, medyo natatawa ako kase nanginginig pa yung kamay niya dahil kinakabahan. After nun sinuotan niya ko ng diaper at naglagay ng pillow maneuver. After an hour nakaramdam na ko ng cramps, at may naramdaman na rin akong lumabas na dugo galing saken, at ilang oras pa may naramdaman akong malaking buong dugo na lumabas saken kaya nagpapalit nako ng diaper kay bf at siya na rin naghugas at nag docu sa POC na lumabas saken. After 4hrs, 2 Miso buccal intake, this time mas sumakit yung cramps to the point na namimilipit na ko sa sakit at pinagpapawisan na ko ng malamig, di ko makakalimutan yung sakit na yun, then biglang may naramdaman uli akong lumabas na malaking dugo galing saken, at biglang nag subside yung pain na naramdaman ko after lumabas nun saken. Nag papalit na uli ako ng diaper kay bf at siya uli nag linis at nag docu ng POC at sinend kay Sir Alex. And after an hour may lumabas uli saken na POC, nung nakita ni bf medyo kinabahan siya kase andame daw na lumalabas saken na dugo, alam niya kase na anemic ako nagaalala siya baka bigla akong himatayin. After ng process, inadvise na ni Sir John na pwede na kong kumaen at uminom ng tubig. Nakahinga na kami ng maluwag ng bf ko after ng process, at umiyak pa si bf nung tinitignan niya yung POC na nililinis niya. Hanggang ngayon di pa din nag sisink in saken yung mga nangyare feeling ko nanaginip lang ako.

Kinabukasan(Dec 22), nagtext si Sir John and he declared that I’m officially not pregnant. Nakahinga ako ng maluwag at the same time nalulungkot at naguguilty dahil sa ginawa ko sa anak ko. Di ko gusto yung ginawa ko pero sa tuwing maalala ko yung pamilya ko at pangarap ko mas lalong lumalakas yung loob ko na dapat tong ginawa ko kahit alam kong mali. Nagpapasalamat ako sa Project 486, kay Sir Alex at lalo na kay Sir John na matyagang sumasagot sa lahat ng questions ko at sa pagsasabi agad saken ng mga kailangan at dapat kong gawin. Sa bf ko na alam kong nasaktan ko ng sobra dahil sa desisyon na ginawa ko at sa pagsuporta at pagaalaga saken. Sa baby ko, I’m sorry, sana mapatawad mo kame ni daddy. :'(

Salamat Project 486 sa pagtulong saken. Sa pag assist saken, simula una hanggang matapos yung whole process ay di niyo ko pinabayaan. Thank you so much!


A Patient’s Reflection on her Medical Abortion (pills used: Mifepristone and Misoprostol / Cytotec) in the Philippines (entry #55)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *