Laguna, 28F
I undergo 2 abortions without my partner nor family knows.
October 29,2026
Im 8 days delayed, then I felt all pregnancy symptoms, kaya alam ko agad na buntis ako, active din kami ng partner ko..
March 24,2026
Same year, I decided to end my first pregnancy,
So itong October 29, 2026 was my second pregnancy.
All of those pregnancies, I never told my boyfriend nor my family about all the sacrifices, pain, and expenses I underwent. I endure it all.. because I know that Im not ready. I know Im not able to give those 2 child a good life.
I know I sound hypocrite and impudent.
Pero ayoko sumugal na ituloy ko na mabuhay sila then figure out later kung pano ko sila supportahan..
Why i didn’t tell them?
Ksi alam ko against sila.
2nd ayoko sila idamay sa kasalanan ko.
I have a partner for decade na tatay ng 2 bata na hindi ko kayang ituloy..
Palagi nya sinasabi kung gano nya ko kamahal at gustong magka anak sakin., nararamdaman ko naman yun, pero wala pa syang stable job, ako meron but my loans ako, nag aaral din ako, at may mga plano ako na gawin pra sa parents ko at sa partner ko.. alam ko kaht gaano ka gusto ng partner ko na mag ka baby, deep inside nase sense ko na takot at kinakabahan din sya kagaya ko, dahil sa situation namin hindi pa namin kaya bumuo ng family..unsecured ang stability…
Nung unang beses ko ginawa, purely guilt, ang nararamdamn ko, pero after 5 mons ito nanamn ako nabuntis ulit, kaya napaka hypocrite talaga..
2nd time ko, ang nararamdaman ko hindi ko alam.. magkahalong takot, guilt, lungkot, pati nadin siguro pang hihinayang, pag sisi.. naiisip ko na ituloy ko nlng kaya? Kaso, pag naiisip ko ang realidad ng buhay, napapaatras ako..
Iniisp ko kung siguro may sapat ako ipon, pera, walang loans, at kaya ko support ang parents ko, itutuloy ko to, kasi sayang, bawat araw nagdadalawang isip na ako na wag ituloy..
pero naalala ko pagkatapos nung nauna Kong abortion, nag decide ako na mag-aral ulit, mag ipon, though my konti akong loan sa credit cards. Feeling ko nawala yung heavy burden na nararamdaman ko at iniiyakan ko ng ilang gabi bago ko makita ang project486.
Ngayon buntis ako ulit, kapag itinuloy ko to, hindi ako makakatapos ng masters degree ko, magagalaw ko yung konting ipon ko,
At madadamay ko sa stress ang parents ko na senior citizen na..
Iniisp ko nung una, Siguro hindi pa ito ang tamang timing..
Oo, wala naman tamang timing, nakadepende yun kung keln ka magiging ready na maging isang ina..
Pero hindi pa ako ready.
Sorry mga anak, Im sorry kung pipiliin ko muna ulit ang sarili ko bago kayo.. kahit mahirp, kailangan ko munang subukan na ayusin ang financial stability ko, kailangan ko munang bumangon at ayusin ang sarili ko para hindi kayo ang sumalo ng mga problem na meron ako, Kapag handa na ako, kapag kaya ko na buhayin kayo, itutuloy ko na mag buntis, para sa inyo din to, pasensya na kung hindi ako kasing tapang ng lola nyo, tita nyo at ibang ina na piniling mag sakripisyo ng sarili nila para maging isang ina, duwag ako , dahil sa takot na mawala ang mga bagay na nakasanayan ko bilang dalaga, duwag ako, dahil natatakot ako na makadagdag hirap sa mga magulang ko, maraming pa akong dahilan, pero at the end, isa lng ang sigurado“duwag ako” kaya pasensya na talaga, kay God, psensya na mga anak ainsley, ainsloane..