A Patient’s Reflection on her Medical Abortion (pills used: Mifepristone and Misoprostol / Cytotec) in the Philippines (entry #52)

December 14, 2017
Christy, 24, newly employed
Pasay City, Philippines

Hi,

Sorry now lang ako nag email ulit, nabusy lng for holidays. Anyway ito story ko.

Ang tanong is bakit? Bakit ko ginawa? Bat ang selfish ko. Bakit kinaya ko? Bakit.

Paulit ulit ko na tinanong sa sarili ko bago ko ginawa. Kasi hindi pa kami ready ng bf ko, hindi muna ngaun na nag uumpisa pa lang akong kunin ulit ang loob ng pamilya.

1week nang wala pa period ko alam ko ng buntis na ako. Nagsearch ako sa google mga natural ways for abortion. Mga site na nagbebenta ng mga gamot… malapit na rin akong mascam sa isang site din na kaduda duda ang mga feedback. Na-share ko rin sa isang kaibigan ang kalagayan ko na syang naging way na contact ang project486.

Nabasa ko ang mga reflections ng mga naging patients nila. Hiningi ko email add and contact number nila.

Napaka accomodating bi John and Alex. Lahat ng tanong sinsagot nila, mahaba ang pasensya at wala kang mase-sense na judgement sa flow ng replies nila.

Nang matanggap ko ang mga gamot (mifepristone at misoprostol) umumpisahan ko agad ang diet at sinunod lahat ng instructions.

To cut story short naging successful nmn ang procedure. Nag expect akong masakit, dahil cguro ilang weeks pa lng..

Nung makita ko ung lumabas sa akin, my kirot sa dibdib pro tinatagan ko loob ko kasi ito nmn pinili ko. Sa tulong na rin ng project486 mejo nawawala rin ung kirot.

Hindi ko na update si John, after procedure dahil na busy na. But im okay, walang unusualities na nararamdaman.

Salamat sa project486, ky alex at john. Salamat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *