A Patient’s Reflection on her Medical Abortion (pills used: Mifepristone and Misoprostol / Cytotec) in the Philippines (entry #69)

September 16, 2018

Maja,  27, mother of 3, former Call Center agent

Sampaloc, Manila, Philippines

Hi, I’m Maja,  27 years old, mother of 3 boys.

Kakaresign ko lang last June 2018, call center agent before and I decide na maging full time mom sa mga anak ko dahil naospital yung 2nd child ko dahil sa amoebiasis so feeling ko napakabaya ko. Yung bunso ko naman is month old palang, I just gave birth last December 2017, CS ako.

So eto na nga, LMP is July 15. Expected date of menstruation is August 12-15. Walang dumating, may kutob na ko kase pag nakakaamoy ako ng calamares nasusuka talaga ako na dati naman hindi. So nagPT ako ng Aug 13, faint positive. I research about herbal abortion. Tinry ko yung overdose Vitamin C, parsley and dong quai. Tinry ko yun for 2 weeks pero I already emailed Sir Alex. After 2 weeks na walang nangyayare dun ako nagdecide to schedule a phone consultation with Sir John, sabe ko sa sarili ko “kelangan ko na tong gawin”. He only gave me 30 mins pero umabot yung usapan namen for more than an hour. Lahat ng risks sinabe saken since di ko pa nararanasan mainduced before dahil puro CS nga mga babies ko so may possibility na di bumuka nag cervix ko and need ko magpahospitalize pero tinapangan ko kase kelangan may gawin na ko.

Ayun so 3 weeks pa ang tinagal bago ko nakumpleto ang pera. Sept 12, dun ako nagsend ng payment, Sept 13, nakuha ko na yung mga meds at kumaen ako ng bongga hahaha bago maglow folate diet at fasting.

Eto yung timetable na ginawa ko.

Day 1(mife day) SEPT 14, Friday
6am to 6pm – low folate diet
6pm to 11:59pm – fasting (no food, no water)
11:59pm- swallow mifepristone with 1 cup of water

Day 2 (Low-folate diet day) SEPT 15, Saturday
12:01am to 6am : fasting (no foods, no water )
6am to 11:59pm: low folate diet

Day 3 (miso day) SEPT 16, Sunday
12:01am – start of 16hr fasting
5:30 – defecate and urinate
6:00am – vaginal miso, 4 tabs
10:00am – buccal miso, 2 tabs
2pm – buccal miso, 2 tabs
– stand and walk, wash with feminine wash and sterile water
4pm – can drink, can eat low-folate

Hirap ng fasting lalo na low.folate diet kase bilis ko magutom at ang hapdi ng sikmura ko na.

Day 3, eto pinakamahirap, nagcheck.in kame ng hubby ko for a day sa isang hotel kasama.bunso ko kase di.pwede sa bahay dahil nandun.parents ko. 6am, Vaginal miso, hubby ko naginsert sa V ko. First two hours.wala masyadong pain, pero mararamdaman mo talaga yung pain na paintense ng paintense habang tumatagal. Then may naramdaman akong mainit, dugo sya na may kasama tubig, 10am buccal miso, dito na ko dinugo ng sobra, 2pm buccal miso, can stand and walk, naramdaman ko yung flow ng blood but no blood.clots, 4pm ayun pwede na kumaen but low folate diet and water lang muna kase di pa.lumalabas POC’s. 5pm wala pa din, ittext ko na si sana si sir John kung bat wala pa yung POC’s at the same time natatakot na baka di successful pero pagtayo may lumabas saken. Nung tiningnan ko lumabas yung malaking blood clot then nakita ko sumunod yung fetus, as in baby na maliit na, may kamay at paa na sya. Nanghina yung asawa ko hahaha kase takot talaga sya sa dugo and first time nya makakita non, so ako naghugas then nilagay ko sa tissue and take a picture of it.

After ilang minutes Sir John texted me na successful yung procedure. Sobrang thankful ko non, wala na kase talaga akong balak sundan ang bunso ko plus pinapagatas pa namen sya so di talaga kaya.

Nagsorry ako sa supposed to be my 4th child, we named him MIKS, yun kase naisip ng papa nya. I recommend kung gagawin nyo yung procedure kelangan may tao sa tabi nyo na full support talaga kase nakakatulong sya lalo na nakayakap lang saken hubby ko non habang nararamdaman ko yung cramps.

Ngayon i feel relieved. Thankful din ako kay Sir John at Sir Alex for helping me. Sana lahat ng babae alam tong group na to so may choice sila. Mostly kase ng kakilala ko no choice since di naman legal ang abortion dito sa pinas.

Looking forward for my recovery.

 


 

 

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *